Tumaas ng higit sa inaasahan ang annual inflation (o pagmahal ng mga bilihin at pagbaba ng halaga pera) ng Pilipinas noong Disyembre para pumalo sa pinakamataas nito sa loob ng pitong buwan, sinabi ng statistics agency noong Martes, sumasalamin sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain, alak, at tabako, gastos sa healthcare, transportasyon at libangan.

Umakyat ang consumer price index sa 1.5 porsyento nitong Disyembre mula sa nakalipas na taon, mataas sa 1.4 porsyentong forecast sa isang Reuters poll ngunit pasok pa rin sa 1.1-1.9 porsyentong hula para sa buwan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang core inflation noong Disyembre ay 2.1 porsyento kumpara sa 1.8 porsyento sa nakalipas na buwan, ngunit bumagal ang buwanang pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa 0.2 porsyento mula sa 0.5 porsyento noong Nobyembre.

Dinala ng December data ang 2015 average inflation rate sa 1.4 porsyento, mababa kaysa 2-4 porsyentong target para sa taon ng Bangko Sentral.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinanatili ng BSP ang kanyang benchmark interest rate sa 4.0 porsyento para sa 10th meeting in a row nitong nakaraang buwan at hinulaan ng mga ekonomista na walang magbabago sa policy settings sa unang bahagi ng taong ito. (Reuters)