GUATEMALA CITY (AP) — Sumabog ang Volcano of Fire ng Guatemala at bumuga ng abo na umaabot sa taas na 23,000 feet (7,000 meters) above sea level.

Walang iniutos na evacuation dahil sa aktibidad ng bulkan noong Linggo. Ngunit hinimok ng mga opisyal ang mga karatig na komunidad na manatiling nakaalerto.

Ang Volcano of Fire ay nakatayo 12,300 feet (3,763 meters) above sea level sa south-central Guatemala. Noong nakaraang taon ay 13 beses itong sumabog.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'