TARLAC CITY - Dalawampung natatanging public school teacher at school head sa Central Luzon ang binigyang pagkilala ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ni DepEd OIC-Regional Director Malcolm Garma na layunin ng search na bigyang-pugay ang mga guro at pinuno ng mga pampublikong paaralan na nagpakita ng kahusayan, hindi matatawarang dedikasyon sa paghubog sa kabataan, at epektibong pamumuno.

Pinarangalan sina Analyn Razon (Outstanding Grade 1 Teacher), Erlinda Gan (Outstanding Grade 2 Teacher), Leoncio Benigno Tolentino (Outstanding Grade 4 Teacher), Alfredo Correa (Outstanding Grade 5 Teacher), Christopher Esteban (Outstanding Grade 6 Teacher), at Haidee Pajarito (Outstanding Master Teacher).

Kinilala rin sina Grace Echeche (Outstanding English Teacher), Lady Anne Bayan (Outstanding Math Teacher), Angelina Bernabe (Outstanding Science Teacher), Armando Illescas (Outstanding Master Teacher), at Ednalyn Fajardo (Outstanding Alternative Learning System Implementer). (Leandro Alborote)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente