CALAUAG, Quezon – Isa pang pampasaherong bus ang naaksidente at 26 na pasahero ang nasugatan makaraan itong mahulog sa bangin habang tinatalunton ang Maharlika Highway sa Barangay Bagong Silang, bago maghatinggabi nitong Enero 4, sa bayang ito sa Quezon.

Sinabi ni Senior Supt. Ronaldo Genaro E. Ylaan, Quezon Police Provincial Office director, na nawalan ng kontrol si Felicito Gison, 40, ng Bgy. Malibay, Pasay City, sa manibela ng Mega Bus (AAI-1363), na may lulang 48 pasahero, hanggang sa dumiretso ito sa bangin, dakong 11:30 ng gabi nitong Linggo.

Sugatan sina Reggie Alegre Arma, 2, ng Catayngan, Masbate; Lorna Monterola Laurente, 62, ng Miag Uson, Masbate; Jonh Joryl Rosanto Montes, 10; Emily Tamayo Rosanto, 52; Jekim Tamayo Rosanto, 19, pawang ng Dimasalang, Masbate; Adrian Jones Resonia Ybañez, 4, ng Masbate; Jarren Dave Rosanto Montes, 5, ng Masbate; Renelyn Bation Cervantes, 16, ng Masbate.

Nasugatan din sa aksidente sina Cyril Rosanto Montes, 8; Cheryl Rosanto Montes, 31; Armingol Tapion Columna, 6; Edith Columna Linabog, 54; Melody Montealto Masahay; Jemelyn Columia Linabog, 17; John Michael Cuevas Moñoz, 19; Mark Erickson Gonzales Aguila, 22; Andria Flor Bisoña Ybañez, 13; Jollie Panlanigo Servantes, 63, pawang ng Masbate.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kabilang din sa nasaktan sina Norlan Belarmino Paller, 22; Rachelle Gratela Pulvera, 20; Isabel Mullion Veranda, 56; Rica Jane Arma, 8; Jemaran Ando Malayno; Jemmelyn Etcobanes Andrino, 21; Mariano Navarro Gentica, 78, pawang taga-Masbate; at Jaime Jr. Aguinaldo Gonzales, 38, ng Caloocan City.

Nasa kostudiya na ng Calauag Police ang driver, habang naka-confine sa iba’t ibang pagamutan sa Calauag at Lopez ang mga biktima, ayon kina PO3 Lenito C. Aguilar at PO1 Aldrin Marquinez. (DANNY J. ESTACIO)