Alden at Maine copy

SATURDAY is always a big day sa kalyeserye ng Eat Bulaga. 

Ngayong Saturday, January 2, tiyak na magiging big day uli sa AlDub Nation dahil may celebration si Alden Richards ng kanyang 24th birthday, at magiging special ito dahil nakabalik na sa bansa ang ka-love team niyang si Maine Mendoza.  

Tinupad ni Maine ang sinabi niya sa interview sa kanya sa MMFF Parade of Stars last December 23 na babalik siya para sa birthday ni Alden.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ten days kasi ang family vacation ng mga Mendoza sa Japan at umalis sina Maine after ng Parade of Stars. Dapat ay January 2 ang balik nina Maine dito, pero nakiusap siya sa parents niya na bumalik sila ng January 1, para nasa Eat Bulaga na siya ng January 2.  

Pero mas napaaga pa ang balik ni Maine dahil morning of December 31, umalis na siya ng Japan at hapon pa lamang ay nasa Pilipinas na siya.

Samantala, naging two-part ang replay ng “Tamang Panahon” ng Eat Bulaga na ginanap noon sa Philippine Arena noong October 24, 2015. Non-stop kasi iyon nang ipalabas kaya hindi puwedeng magkasya sa two hours and a half na time slot ng Eat Bulaga. 

Ang first half ay napanood noong Miyerkules at tamang-tama naman na ang pinaka-main feature ng show na unang pagkikita nina Alden at Yaya Dub na nagsalita na siya, ay tumama noong Huwebes, December 31, na 24th weeksary ng AlDub. Wala man sina Alden at Maine, tiyak na ikinatuwa naman ng AlDub Nation na iyon ang ipinalabas sa weeksary na naghudyat na ng 6th month ng phenomenal love team. (NORA CALDERON)