Nakatakdang sumabak sa 35 Association of Tennis Professional (ATP) torneo ang kasalukuyang numero unong lawn tennis player sa bansa na si Jeson Patrombon kabilang na rito ang prestihiyosong 2016 Manila Challenger.

Ito ay matapos na kumpletuhin ni Patrombon ang pagsasara ng taon bilang numero uno sa Pilipinas, ika-1,112 sa ATP ranking at siyang pinakamataas na single player ng bansa sa listahan ng ATP.

Napaganda ni Patrombon ang kanyang ranking matapos magtala ng Round of 16 na pagtatapos sa kanyang huling sinalihan na ITF Futures event sa Cambodia noong unang linggo ng Disyembre na katulad din sa resulta ng anim na iba pang sinalihan nitong torneo sa buong taon.

Ang 22-anyos mula Iligan City, na matatandaang naabot ang pinakamataas na world number 9 sa Junior ranking, ay itinala ang kanyang pinakamagandang resulta ngayong taon sa Indonesia Futures noong Abril kung saan ay naabot nito ang quarterfinals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Patrombon, na nag-uwi ng 1 pilak at 2 tanso sa Singapore Sea Games, lay nakatuon sa pagsabak nito sa 35 ATP tournaments sa 2016 kabilang ang Challengers sa Manila sa Enero at sa China.

Sa pinakahuling panayam sa kanya ng DZSR Sport Radio, sinabi ng nakaraang Singapore Sea Games silver at bronze medalist na pinaghahandaan na niya ang pagsali sa 35 ATP tournaments ngayong 2016 kabilang na ang Challengers sa Manila sa susunod na buwan at sa China.

Kuntento na umano siya sa naging resulta ng kanyang kampanya ngayong 2015 kaya naman lalo pa niyang pagbubutihin sa susunod na taon. (Marivic Awitan/Angie Oredo)