BAGO matapos ang 2015, babalikan ng Reporter’s Notebook ang pinakamalalaking isyu, kontrobersiya, at trahedyang binantayan at siniyasat nito ngayong taon. 

 

Iba’t ibang trahedya ang sumubok sa katatagan ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Nariyan ang sunog sa Kentex, ang paglubog ng M/V Kim Nirvana, at ang lindol sa Nepal. Ang kalunus-lunos na epekto ng ilan sa mga sakunang ito ay personal na nasaksihan nina Jiggy Manicad at Maki Pulido.

Ngayong taon ay tinutukuan rin ng Reporter’s Notebook ang kaguluhan at karahasan sa Mindanao, kasama na ang pagpatay sa 44 miyembro ng Special Action Force ng PNP sa Mamasapano, Maguindanao at ang karumal-dumal na pagpatay sa ilang katutubong lumad.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

 

Huwag palampasin ang Baliktanaw 2015, The Reporter’s Notebook Yearend Special sa GMA-7 ngayong Disyembre 31, 5:15 ng hapon, pagkatapos ng Destiny Rose.