GAPAN CITY - Hindi na nakauwi nang buhay ang isang 58-anyos na magsasaka makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki habang sakay sa kanyang motorsiklo sa Doña Josefa Bridge sa Sitio.

Inang Bayan sa Barangay San Vicente ng lungsod na ito, Lunes ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Nelson Aganon, hepe ng Gapan City Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Rufino Guinto y Caralde, ng Bgy. San Nicolas, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Marvin Cambi, dakong 11:30 ng umaga at patungong San Leonardo si Guinto nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang magkaangkas sa motorsiklo at binaril nang malapitan sa ulo ang biktima bago tumakas.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)