Sa kulungan ang bagsak ng isang 20-anyos na dalaga matapos mahulihan ng baril, bala at hinihinalang shabu nang salakayin ng mga tauhan ng Pasay City Police ang kanyang bahay nitong Linggo ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1829, Obstruction of Apprehension and Prosecution of criminal offender sa Pasay Prosecutor’s Office ang suspek na si Maricar Elisan, empleyada ng PLDT, nakatira sa Block 21, Lot 22, Bo. Pilipino, Bgy., 187 ng naturang lungsod.

Sa ulat na tinanggap ni Pasay Police Chief Senior Supt. Joel Doria, dakong 3:30 ng hapon nang maaresto ang suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Raquelyn Abary-Vasquez, ng Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .38 baril at 14 pirasong bala, isang cal.32 pistol, isang cal. 32 magazine, limang pirasong bala ng cal. 32, isang cal. 380 live ammunition, tatlong bala ng cal. 45, isang holster ng cal. 38 at isang maliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?