Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa ang siyam na araw na Simbang Gabi sa buong bansa.

Sinabi ni Chief PNP Director General Ricardo Marquez, walang naitalang anumang insidente sa pagdaraos ng Simbang Gabi na nagsimula noong Disyembre 16 at nagtapos nitong Disyembre 24.

Ayon kay Marquez, binantayan ng PNP ang 264 na mga simbahan sa Metro Manila bukod pa sa mga simbahan sa buong bansa para siguruhin ang kaligtasan ng mga mananampalataya. Sinabi ni Marquez na susunod na tututukan ng PNP ang Bagong Taon kung kailan mahigpit ang tagubilin sa pulisya na huwag masangkot sa indiscriminate firing. - Fer Taboy

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'