Bristol at kanyang baby

IPINANGANAK ng reality star na si Bristol Palin, 25, ang kanyang baby girl nitong Miyerkules, ayon sa mensaheng ipinahayag niya sa pamamagitan ng Instagram.  

“My sweet Sailor Grace was born yesterday,” nakasaad sa post niya sa Instagram nitong Huwebes. “Our family couldn’t be more complete.”

Si Sailor ay may kuya at ito ay si Tripp, 6, anak ni Bristol sa dating fiancé na si Levi Johnston.  

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Napili at naisip ni Bristol ang pangalan ng kanyang baby girl ilang araw bago niya ito ipanganak. Ibinahagi rin niya sa Instagram noong Nobyembre ng mga gamit ng kanyang baby girl na binurdahan niya ng pangalan. - ET Online