Lima ang kumpirmadong patay habang apat na iba pa ang tinangay bilang hostage ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang salakayin nila ang Ampatuan, Maguindanao, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga napatay na sina Mario Sito Estoque, Inpi Bakais, Mark Anthony Timpla, Bernard Ibagat, at Mario Estonte.

Tingay din ng mga rebelde sa kanilang pagtakas ang apat na sibilyan na sina Jerry Salome Albagar, kasama ang asawa at kanilang anak na si Julian Angelo Henilsa, at isang alyas “Moroy.”

Ayon sa report ng Maguindanao Provincial Police Office, sinalakay ng mga tauhan ng BIFF ang isang komunidad sa Barangay Kauran, Ampatuan, dakong 5:00 ng umaga noong Huwebes.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ayon sa report ng pulisya, bago pa man ang pag-atake ng BIFF sa mga sibilyan, unang hinarass ng grupo ang detachment ng 33rd IB Philippine Army sa Barangay Banaba Datu Abdullah Sangki Maguindanao, pasado 3:00 ng madaling araw.

Ang pag-atake ay pinangunahan umano nina Kumander Alon at Kumander Samad.

Habang tumatakas ang mga suspek walang habas umanong pinagbabaril ng mga ito ang mga residente kung saan limang residente ng Barangay Paitan ang napatay. (Fer Taboy)