DUBAI (Reuters)— Isang sunog ang naganap dakong madaling araw sa isang ospital sa southwestern port city ng Jazan sa Saudi Arabia noong Huwebes na ikinamatay ng 25 katao at ikinasugat ng 107 iba pa, sinabi ng Saudi civil defense agency sa isang pahayag.
Sumiklab ang sunog sa unang palapag ng Jazan General, sa intensive care unit at maternity ward, ayon sa ahensiya.
Inilipat ang mga nagtamo ng pinsala sa ibang ospital sa lugar. Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.