MATAPOS ang pinag-uusapan pa ring kontrobersiya sa Miss Universe pageant na malinaw na hindi pumabor kay Miss Colombia, hinihimok siya ngayon ng porn giant na Vivid Entertainment na ikonsidera ang career bilang porn actress.

Ayon sa ulat ng entertainment website na TMZ.com, lumiham ang head ng kumpanya na si Steve Hirsch kay Ariadna Gutierrez — ang 2015 Miss Universe first runner-up na ilang minutong pinutungan ng Miss Universe crown, na para talaga sa kababayan nating si Pia Alonzo Wurtzbach — at inalok ang Colombian na sumali sa kanyang stable ng celebrity porn stars.

Sa liham, inalok si Ariadna ng oportunidad “to benefit from your experience financially as well as increasing your fame” sa pagtanggap sa $1 million offer para magbida sa mga porn film ng Vivid Entertainment.

Sinabi pa ni Hirsch na mismong si Ariadna ang pipili ng sarili niyang sex partners, gayundin ang “type of sex you want to have and how many movies you ultimately appear in.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Try to think about the names of former Miss Universe or Miss America title holders. The only name that most people remember is Vanessa Williams,” napaulat na bahagi ng liham ni Hirsch kay Ariadna.

Si Vanessa Williams ang unang African-American na kinoronahang Miss America noong 1983, ngunit makalipas ang ilang araw ay nalathala sa mga pahina ng adult magazine na Penthouse ang mga litrato niyang hubo’t hubad.

“Celebrity sex tapes we have distributed have enhanced the careers of stars such as Kim Kardashian, Kendra Wilkinson, Pamela Anderson and many others,” saad pa sa liham ni Hirsch.