Pinaigting ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang kampanya nito kontra sa sunog ngayong holiday season kasabay ng pag-iisyu ng babala sa iresponsableng paggamit sa mga paputok.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mas kailangan ang pagsasagawa ng ibayong pag-iingat upang laging ligtas sa sunog ngayong Disyembre lalo at mataas ang bilang ng ganitong insidente na sanhi ng mga paputok.

Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na nananatili ang koordinasyon ng pamahalaang lungsod sa fire department upang tiyaking ligtas, protektado at fire-free ang holiday season.

Mahigpit na pinaalalahanan ng alkalde ang mga residente na mag-ingat habang nagdiriwang, lalo na sa Pasko at Bagong Taon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“We should be aware of the importance of fire safety as the country celebrates Christmas and New Year because lives, limbs and properties are at stake. It pays to be safe than sorry,” pahayag ni Mayor Cayetano.

Magsasagawa din ang Taguig government ng mga diyalogo sa iba’t ibang barangay at community leaders upang ipabatid sa kanila, bigyan ng kaalaman at paalaalahanan ukol sa kahalagahan ng fire safety.

Sa tala ng BFP-National Capital Region noong 2012 na may 12 sunog ang naitatala araw-araw. - Bella Gamotea