HOLLY SPRINGS, Miss. (AP)– Pitong katao ang namatay sa storm system na tinawag ng forecasters na “particularly dangerous” habang hinahagupit nito ang mainland United States noong Miyerkules, at pinaghahanap ng mga opisyal ang mga nawawalang residente sa kadiliman ng gabi.

Nanalasa ang mga buhawi sa Indiana at Mississippi, kung saan tatlo ang namatay. Dalawa pang katao ang namatay sa Tennessee.

Isang bahay na naman sa Arkansas ang nabagsakan ng nabuwal na puno na ikinamatay ng isang babae habang buhay na nahila ang isang taong gulang na bata sa loob nito, sinabi ng mga awtoridad.

Isang 7-anyos na lalaki ang namatay sa Holly Springs, Mississippi, nang ibalibag ng bagyo ang kotseng sinasakyan nito. Ilang bahay ang pinadapa ng unos.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Itinaas ang banta ng pagbaha sa ilang bahagi ng Georgia, kabilang na ang Atlanta, hanggang sa Biyernes, sinabi ng National Weather Service.