Huwag kaliligtaang panoorin ang kuwento ng mag-asawang pinatunayan na walang pinipiling edad ang wagas na pagmamahalan ngayong Sabado (Dec 26) sa Maalaala Mo Kaya.

Gagampanan nina Ejay Falcon at Vina Morales ang papel nina Resty at Charito, mag-asawang limang taong gulang ang agwat. High school pa lang noon si Resty (John Manalo) at kakatapos naman ng college ni Charito (Meg Imperial) nang maging magkasintahan sila kaya ganoon na lang ang pagtutol ng pamilya ni Charito sa binata.

Magtatanan ang dalawa at patutunayan ni Resty na kaya niyang buhayin si Charito at ang magiging mga anak nila.

Kalaunan, matatanggap din ng pamilya ni Charito si Resty ngunit lingid sa kanilang kaalaman na may mas malaki pa palang hamon na darating at susubok sa tibay ng kanilang pagmamahalan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina Encar Benedicto, Bing Davao, Neil Coleta, Rochelle Barrameda, Marlann Flores, Jeff Gaitan, Claire Ruiz, Noel Colet, Joaquin Reyes, Jacob Dionisio, Raine Salamante, Sonia Mejia, at Carla Martinez, mula sa panulat ni Joan Habana at sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.