Nagkasundo ang Pilipinas at European Union noong Martes na simulan ang mga negosasyon sa free trade agreement, na naglalayong palakasin ang kanilang economic exchanges at itaas ang market access sa makabilang panig.

Sa isang pahayag mula sa Brussels, tinawag ng EU ang pagsisimula ng mga pag-uusap sa malayang kalakalan sa Pilipinas na “an important milestone” sa EU-Philippine relations at isa pang patunay ng pangako ng bloc sa Southeast Asia, sinabi ni EU Trade Commissioner Cecilia Malmström.

“The Philippines has been one of the fastest growing economies in the region in the recent years. We need to make sure our companies enjoy right conditions to seize the great potential of that market of 100 million consumers,” sabi ni Malstrom kasunod ng pag-uusap nila ni Philippine Trade Secretary Gregory Domingo sa EU headquarters sa Brussels. (PNA)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador