SANTA IGNACIA, Tarlac – Isang barangay kagawad ang natangayan ng pera at mamahaling cell phone matapos siyang looban sa Barangay San Vicente, ng bayang ito.

Kinilala ni SPO1 Reynante Lacuesta ang nilooban na si Cresilda Bauzon, 40, kagawad ng Bgy. San Vicente, na natangayan ng bag na naglalaman ng Samsung S4 cell phone, at P45,000 cash.

Naalimpungatan pa si Bauzon dakong 2:00 ng umaga at naaktuhan ang pagsungkit ng suspek sa kanyang bag kaya nagsisigaw siya sa paghingi ng saklolo, pero nakatakas na ang hindi nakilalang suspek. (Leandro Alborote)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?