PANIQUI, Tarlac – Apat na katao ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa Camiling-Paniqui Road sa Barangay Mabilang, Paniqui, Tarlac.

Isinugod sa Luis Tirso General Hospital sina Jayvi Puyaoan, 18, driver ng Yamaha Mio motorcycle (BA-9894); Gellie Navarro, 21, ng Bgy. Abogado, Paniqui; Joel Santiago, 17, driver ng Honda Wave motorcycle (TH-5846); at Jelyn Santiago, 12, ng Bgy. Sapang, Moncada, Tarlac.

Dakong 8:45 ng umaga, patungong kanluran ang Yamaha motorcycle nang aksidenteng nakabanggaan ang kasalubong na Honda motorcycle. (Leandro Alborote)

Probinsya

Coast Guard working dog, sinaluduhan sa paghanap sa isa sa mga katawan sa Binaliw landslide