BUTUAN CITY – Isang P4.7-milyon halaga ng hinihinalang shabu at P1.6 milyon cash na pinaniniwalaang kinita sa pagbebenta ng ilegal na droga ang nakumpiska, habang 15 katao ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Butuan City Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group at Metro Butuan City Police Office (BCPO), matapos na salakayin ang mga hinihinalang drug den sa Butuan City, iniulat ng pulisya kahapon.

Tinawag ng pulisya na “one time big time” operation sa Butuan laban sa ilegal na droga, kabilang sa 15 nadakip si Wahid Rascal, alyas Kadi o Wahid, na nasa target list ng mga anti-illegal drug operation ng BCPO.

Nasamsam din sa raid ang isang .9mm Colt AR15, isang .45 caliber Federal 1911, isang .45 caliber Colt SN70, isang Gold Cup .45 caliber, isang magazine AR-15, tatlong magazine ng .45 caliber, walong magkakaibang magazine ng hindi kilalang calibre, isang bala ng .40mm, 152 bala ng .45 caliber, at 24 na bala ng .38 caliber pistol.

(Mike U. Crismundo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito