Binaril at pinagtataga hanggang sa mamatay ang isang magsasaka sa Sitio Kamalig Bato sa Barangay Tabok, Danao City, Cebu, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng Danao City Police Office (DCPO) ang biktimang si Santos Castro, 46, may asawa.

Ayon sa pulisya, si Castro ay binaril at pinagtataga ni Francisco Landero, 51, may asawa, ng Sitio Kamalig Bato, Bgy. Tabok, Danao City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Roselo Campo, kinumpronta ni Castro si Landero matapos na kainin ng alagang baka ng huli ang mga tanim na mais ng biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagalit ang suspek at nagtalo ang dalawa hanggang sa pagbabarilin ni Landero ang biktima, at pinagtataga pa sa leeg.

Sumuko si Landero. (Fer Taboy)