CITY OF ILAGAN, Isabela - Tinutulan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) at ng mga residente ang pagbutas sa kabundukan ng Sierra Madre sa pagbubukas ng 82-kilometrong national highway na pinaniniwalaang magdudulot ng matinding baha sa Cagayan at Isabela, kapag naisakatuparan.

Napagtibay at pinondohan na ng P1.7 bilyon ang proyekto nitong Nobyembre 15, 2015, at may basbas na rin nina Isabela Gov. Faustino Dy at Vice Gov. Tonypet Albano.

Ayon sa UNICEF, nais nilang irekonsidera ang plano dahil maaari ring maapektuhan ng proyekto ang virgin forest area na deklaradong national park.

Sinabi naman ni Isabela 3rd District Rep. Napoleon Dy na idudulog niya ang isyu kay Pangulong Benigno Aquino III, sa Department of Public Works and Highways at sa Department of Environment and Natural Resources. (Wilfredo Berganio)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito