Disyembre 18, 1966 nang madiskubre ng American astronomer na si Richard Walker ang buwan sa Saturn na tinawag na Epimetheus. Ito ay kilala rin sa tawag na “Saturn XI”, na ipinangalan sa Greek mythological character na si Epimetheus.

Namataan ni Audouin Dollfus, isang French astronomer, ang isang buwan noong Disyembre 15, 1966, na tinawag niyang Janus.

Ang Epimetheus ay may iba’t ibang crater na may layong mahigit 30 kilometro sa bawat isa. Ito rin ay umiikot nang halos 17 oras.

Muling nadiskubre nina Stephen Larson at John Fountain ang buwang Epimetheus noong 1977.
Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?