Dinagsa ng mga Navoteño na nais magtayo ng negosyo ang Navotas Sports Complex, na roon idinaos ang Entrepreneur Summit Part III.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, magsisislbing culminating activity ng summit ang Navotas Hanapbuhay Center na naisagawa na ang tatlong katulad na aktibidad ngayong taon.

Ang pagbibigay ng kabuhayan ang isa sa mga prayoridad na programa ng pamahalaang lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamamahala ng alkalde.

“Sinisikap po nating mabigyan ng oportunidad na makapagsimula at makapag-expand ng negosyo ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor mula sa libreng taining hanggang sa pagbibigay ng loan assistance,” ani Tiangco.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa Enero 2016 magbibigay ng bagong skills training ang Office of the Mayor matapos magsagawa ng Trainors’ Training para sa paggawa ng siopao (steamed, crispy at toasted), fish siomai/dimsum, fish ham, golden alamang balls, fish salami, fish longganisa at fish sausage, na sinagot ng Department of Trade and Industry, matapos maaprubahan ang kanilang Bottom-Up Budgeting (BUB) Project na nagkakahalaga ng P 700,000.

Target ng tanggapan na ituro ang mga bagong skills sa 400 mangingisda mula sa 14 na barangay sa lungsod.

(Orly L. Barcala)