NAGHAHAMUNAN ng sampalan sina dating DILG Sec. Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Bungad naman ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko nang magkita kami sa isang kapihan matapos ang jogging: “Bakit sampalan?

Dapat ay duwelo at nang mabawasan ang sakit ng ulo ng mga botante kapag sila’y parehong natepok?” Tugon ko: “Hindi na uso ngayon ang duwelo kaibigan. Panahon pa nina Rizal at Heneral Luna iyan.” Ang uso ngayon ay riding-in-tandem.

Nagsimula ang hamunan nang ihayag ng ginoo ni Korina na kuwento at kathang-isip lang ni Mayor Digong na tahimik ang Davao City dahil pinapatay niya ang mga kriminal. Na hindi ito totoo, na ang binu-bully lang at pinapatay ng alkalde ay maliliit na kriminal at hindi niya ginagalaw ang mga malalaki at maiimpluwensiyang tao. Hindi totoo na si Digong ay isang “crime buster”. Pagyayabang lang daw ito.

Isa lang daw “myth” ang pagiging tahimik ng Davao City, ayon kay Roxas. Binanggit niya na batay sa PNP report, ang lungsod ay pang-apat sa crime incidence noong 2014. Nagalit ang palamurang alkalde at nagbantang sasampalin niya si Roxas kapag sila’y nagkita. Nang-insulto pa ang machong alkalde nang sabihin niyang hindi naman nagtapos si Roxas sa Wharton School of Economics, at ito ay isa lang ding “myth.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dito nagpuyos sa galit si Roxas at hinamon si Duterte na pasampal sa kanya kapag hindi napatunayang hindi siya graduate sa Wharton University. Batay naman sa mga nag-research, napatunayan na si Sec. Mar ay nakatapos ng Economics degree na ang major ay Finance. “Let him slap me. Let him come here, or I will come to him. Have him slap me at the airport (Davao)”.

Binatikos niya si Digong na namihasa sa “one-man rule”, nasanay sa sistemang kapag hindi nakuha ang gusto at kapag sinabi sa kanya ang totoo, basta na lang niya sasampalin ang tao. “I don’tknow if he has slapped any powerful person, he has only slapped small people who can’t fight back,” ani Roxas. Handa raw siyang makipagsampalan.

Pahayag ni Tata Berto: “Aba, aba, nagiging lalaki na ngayon si Mar. Mukhang hindi na siya clone ni PNoy.” Kapag nagpatuloy sa ganitong karakter si Roxas, baka makahatak siya ng paghanga at boto ng taumbayan. Iisipin nilang si Roxas pala ay kumakasa na rin laban sa palamurang alkalde. Matatandaang si Duterte ay umaani ng paghanga dahil sa kanyang mapangahas na pronouncements: “Papatayin ko ang mga kriminal, drug pusher, puputulan ko ng bayag ang rapis-murderers, at ipakakain sa isda ang mga tiwaling pulitiko.”

Mr. Mar Roxas, ganito ang gusto ng taumbayan ngayon. Gusto nila ang matatapang na pahayag na lilipulin ang mga kriminal, ipalululon ang bala sa taga-NAIA na nangongotong, lulutasin ang problema sa trapiko, kukumpunihin ang MRT at LRT na laging may aberya, at higit sa lahat, susugpuin ang laganap na kurapsiyon na dulot ng PDAF at DAP.

(BERT DE GUZMAN)