CABANATUAN CITY - Dahil sa nadiskubreng anomalya ng misclassification ng 32,605 sako ng palay, tuluyang sinuspinde ng National Food Authority (NFA) ang operasyon ng mga procurement mobile team ng ahensiya sa Nueva Ecija.

Ayon kay NFA-Region 3 Director Amadeo De Guzman, ipinatigil muna ng ahensiya ang pamimili ng limang procurement mobile team at ipinaubaya na lang ang gawain sa mga stationary procurement team.

Ang nasabing suspensiyon ay para lang sa Nueva Ecija.

Iniimbestigahan na ng NFA ang sinasabing anomalya, na kinasasangkutan ng 12 katao. (Light A. Nolasco)
Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!