Inalerto kahapon ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang lahat ng mga nasasakupang distrito bilang paghahanda sa pagbibigay ng seguridad sa publiko sa inaasahang pagdagsa ng mga debotong Katoliko sa mga simbahan sa Metro Manila sa pagsisimula ng “Simbang Gabi” ngayong Miyerkules, Disyembre 16.

Simula kahapon hanggang Enero 10, ipatutupad ang “no leave policy” sa mga tauhan ng pulisya sa Metro Manila.

Hinikayat ni NCRPO Chief Director Joel Pagdilao ang publiko na gamitin ang hotline numbers ng pulisya sa oras ng emergency kabilang ang patrol 117, mag-text sa 2920, 0915-888-8181/0999-901-8181, o tumawag sa 8383203.

(Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter