AYAW magpa-pressure si Coco Martin sa pag-iisip kung magiging blockbuster o hindi ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema na Beauty and The Bestie na pinagtatambalan nila ni Vice Ganda.

Sa kanilang presscon, sinabi ni Coco na masaya siya ano man ang genre ng movie na gawin niya, drama, action at ngayon nga, comedy. Proud siya kung kumikita ang kanyang ginawang movie, pero hindi niya iniisip kung kikita ba o hindi ang pelikula habang ginagawa niya ito. 

Baka raw habang nagsu-shooting siya, iyon ang isipin niya at ma-pressure pa siya kung ano ang dapat niyang gawin sa eksena.

First time niyang mag-comedy at first time ding maging director si Wenn Deramas. Seryosong-seryoso ang character niya bilang pulis sa teleserye niyang Ang Probinsiyano kaya medyo nanibago siya sa comedy.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pero in-enjoy ni Coco ang shooting dahil laging masaya sa set. Isa pa, masayahing director si Wenn Deramas, kaya walang dull moment in between takes.

Ano ang wish niya ngayong Pasko?

“Sa akin po, ang dami nang blessings akong natanggap, ang wish ko po, sana ay magustuhan ito ng mga manonood. Magsisimula po kaming mapanood sa December 25.”

Kasama rin sa cast ang love team nina James Reid at Nadine Lustre at child superstars na sina Marco Masa at Alonzo Muhlach, Badji Mortiz at sina Karla Estrada, Ryan Bang, MC Calaquian at Lassy. (Nora Calderon)