ella-cruz copy

MAY nasagap kaming tsika na pumirma na kamakailan ng kontrata sa Viva si Ella Cruz at take note, Bossing DMB, 20 years contract ito. Trulili kaya?

Kung 20-year contract ito, ibig sabihin makakawala lang si Ella sa Viva kapag 39 years old na siya. Kasi, 19 years old siya ngayon.

“Actually, five-year contract, pero ang Viva raw ang may option to renew for three consecutive years every five years. Sa madaling salita, after five years, ire-renew ulit ng Viva si Ella ng another 5 years ng tatlong beses,” sabi sa amin.

Human-Interest

Mga sasakyang ipababasbas sana sa Manaoag, nabagsakan ng puno; anyare?

Hmmm, parang ganito rin dati si Sarah Geronimo, di ba, Bossing DMB? Sampung taon dati ang kontrata ng pop princess sa Viva at parati siyang nire-renew at maayos naman ang naging takbo ng career ng singer/actress ngayon dahil napabuti ang buhay niya at pati pamilya niya.

Baka ito rin ang gustong mangyari ng Viva kay Ella, para maging tunay siyang aktres at hindi lang pagtu-twerk ang alam, tutal pangarap ng batang ito na magkaroon ng sariling pelikula kaya siya lumipat sa nasabing movie outfit at iniwan ang ABS-CBN Star Magic.

Anyway, goodluck, Ella! (Reggee Bonoan)