denise-laurel copy

NATUWA kami na si Denise Laurel ang tinanghal na grand winner sa ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar.

Nag-perform si Denise bilang si Beyonce na final showdown sa Resorts World Manila nitong nakaraang weekend. Lumabas ang pagiging sexy at seductive ni Denise, as in dinig na dinig ang hiyawan ng tao sa loob ng venue at maging si Sharon Cuneta ay napasayaw pa.

Natuwa kami dahil sa lahat ng contestants ng YFSF ay si Denise ang reluctant pero excited nang sumali dahil matagal na raw siyang hindi kumakanta at sumasayaw. Nang mainterbyu namin siya bago nagsimula ang show, duda siya kung kaya pa niyang mag-perform sa stage.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mas napansin na kasi ang pagiging aktres ni Denise, at ito ang matagal niyang napagtuunan, kaysa pagiging singer.

Pero gusto niyang i-challenge ang sarili niya, at heto, hindi naman siya nabigo dahil kahit parati siyang nasa bottomline sa weekly showdown ay bigla siyang hinila ng text voters pataas.

Oo nga, sino ang mag-aakala na si Denise ang makakasungkit sa titulong Your Face Sounds Familiar grand winner ngayong season two? Hayan, may titulo na siya, finally!

Bagamat hindi namin nasubaybayan linggu-linggo ang YFSF, tumama ang hula namin noong nagsisimula pa lang ito na isa kina Michael Pangilinan, Kakai Bautista at Denise ang mananalo.

Hindi namin binanggit ang pangalan ni KZ Tandingan sa earlier part ng YFSF dahil ilang linggo siyang kulelat, nitong mga huling linggo lang biglang tumaas ang ranggo niya.

Magaling naman talagang kumanta si KZ, lalo na kung jazz at reggae pero ewan kung bakit nabago na. Pero sabi nga niya, kung ano raw ang uso, doon siya, okay fine.

Sa finale, ibinoto namin sina KZ, Michael at Denise. First time naming bumoto sa reality shows ng ABS-CBN.

Gustung-gusto namin si Michael bilang si Adam Levine, talagang kopyang-kopya niya ang face at boses. Ang laki ng improvement ng alagang ito ni Katotong Jobert Sucaldito.

Napa-wow naman kami nang lumabas si KZ bilang si Lady Gaga. Pati judges pala ay napahanep din sa awitin niyang Born This Way.

Hmmm, ano kayang pakontes ang sunod na sasalihan ni KZ?

Sa team ng YFSF, congratulations, trending na naman kayo worldwide noong Linggo ng gabi, kaya looking forward ulit sa season three. (Reggee Bonoan)