BUENOS AIRES, Argentina (AP) — Patay ang 43 pulis noong Lunes nang sumabog ang gulong ng isang bus sa convoy at nahulog sa tulay na may lalim na 65 talampakan (20 metro), sa hilagang Argentina.

Isa ang bus sa tatlong sinasakyan ng mga pulis malapit sa Salta, isang lungsod na may 932 milya (1,500 kilometro) ang layo mula sa hilaga ng Buenos Aires. Sinabi ng National Gendarmerie officers, na isang special police force na inaatasang magpatrulya sa mga hangganan ng rehiyon, ang patungo sa Jujuy, isang rehiyon sa hilaga ng Argentina sa hangganan ng Bolivia.

Sinabi ni Security Minister Patricia Bullrich, bumisita sa lugar ng aksidente, sa mga mamamahayag na lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pumutok ang kanang gulong ng bus.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina