121115_eus1 copy

Mga laro sa Martes

Araneta Coliseum

3 p.m. Barako Bull vs. Star

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

5:15 p.m. NLEX vs. Barangay Ginebra

Ika-apat na tagumpay na titiyak ng kanilang pag-usad sa susunod na round ang susungkitin ng koponan ng Star sa kanilang pagtutuos ng Barako Bull sa unang laro ngayong hapon sa nakatakdang double header ng 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nagsosolo sa ikapitong posisyon hawak ang barahang 3-6, panalo-talo, tatangkain ng Hotshots na ganap na makausad sa quarterfinals sa pagtutuos nila ng quarterfinalist na Energy Cola (4-5) ganap na ikatlo ngayong hapon.

Aminadong nahihirapan silang mag-adjust mula sa nakagawiang triangle offense ng kanilang dating coach na si Tim Cone sa bagong “run and gun game,” na ipinagagawa naman ng bagong mentor na si Jason Webb sa mga player ng Hotshots kaya’t hindi maganda ang panimula ng kanilang kampanya ngayong 41st season.

Katunayan, ito pa lamang kung sakali ang magiging unang back-to-back win nila ngayong season kung magagapi nila ng Energy Cola kasunod ng huli nilang panalo na naitala noong nakaraang Disyembre 6 kontra Mahindra sa iskor na 104-96.

“Hopefully, kung saan man kami nanggaling, we’re back.Victory won’t be possible without the commitment of the players.These players, napakasuwerte nila na biniyayaan sila ng talent,” pahayag ni Webb.

“When I took this job, I realized that everyday is a pressure day. We like to look at it on a positive way rather than pressure. We like to look at it as an opportunity. I really don’t know what the right term would be, there were a couple of games on that 4-game losing streak that could have gone our way. When we give our best we have a chance to win. We gotta learn that making stops is more important,” ang makahulugan pang dagdag nito.

Sa tampok na laban, possible pang humabol sa no.4 spot para sa twice-to-beat advantage papasok ng quarters, ng Barangay Ginebra, na makamit ang ikalimang panalo sa pagtatagpo nila ng NLEX sa tampok na laro ngayong 5:15 ng hapon.

Taglay ang barahang 5-4, puwede pang makuha ang no.4 slot ng Kings kung mabibigo sa huling mga laro nito ang sinusundang Talk ‘N Text (5-3) at maipanalo naman ang huling dalawang nalalabing laro kabilang na ang labang ito sa Road Warriors at sa Tropang Texters sa pagtatapos ng elims sa Disyembre 20.

Kasalo naman sa kasalukuyan ng Barako sa barahang 4-5, panalo-talo, hangad naman ng NLEX na maipanalo ang mga nalalabing laro sa eliminations bilang paghahanda sa kanilang pagsabak sa playoffs.