Sinolo ng San Beda College ang ikatlong puwesto sa men’s division matapos patubin kahapon ang dating kasalong Arellano University sa isang dikdikang 5-setter, 22-25, 25-19, 25-14, 17-25, 15-12 sa pagpapatuloy ng NCAA Season 91 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Kapwa tumapos na may tig-17 puntos sina Mark Christian Enciso at Yeshua Felix Manliclic upang pangunahan ang nasabing ikatlong panalo ng Red Lions sa apat na laro.

Nag-ambag naman ng 12- puntos si Alfie Mascarinas sa nasabing panalo na nakuha nila matapos ang isang oras at 34minuto.

Nag-iisa naming tumapos na may double digit para sa Chiefs na bumagsak sa patas na barahang 2-2 si Kenneth Aliyacyac na nagtala ng 13-puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nauna rito, winalis ng Arellano Braves ang San Beda Red Cubs, 25-15, 25-12, 25-21, sa pamumuno ni Aldimal Waham na nagposte ng 16 na hits, 3 blocks at 2 aces para sa kabuuang 21-puntos.

Nakabalikat naman niya si Jesus Valdez na nagdagdag ng 12-puntos sa naturang panalo, ang ikatlo ng Arellano sa apat na laro na nagbaon naman sa San Beda sa ilalim ng standings ng juniorsmatapos matalo pagkaraan ng tatlong laro.

Samantala, nagsosolo sa liderato ng men’s division ang defending champion Emilio Aguinaldo College na may malinis na barahang 4-0, panalo, kasunod ng kanilang 3-0 pagwalis sa event host Letran noong Miyerkules ng hapon, 25-20, 25-14, 25-20, sa pamumuno ni reigning MVP Howard Mojica na nagposte ng 18-puntos.