Pinagpapaliwanag ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang Commission on Elections (Comelec) kung paano nito tutugunan ang safety requirement na itinakda ng Republic Act 9369 para matiyak ang integridad ng Eleksyon 2016.

Sa isang pahayag, partikular na nais ng IBP na maliwanagan ang publiko tungkol sa ipatutupad na sistema ng verification.

Sa ilalim ng RA 9369 o Automated Elections Systems Act, dapat ay mayroong mekanismo ang makina na titiyak na binasa nang tama ng election machines ang mga ibinotong kandidato ng isang botante.

Pinaalalahanan din ng IBP ang Comelec tungkol sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Roque vs Comelec na binanggit ng hukuman na dapat mayroong LCD screen ang PCOS machine na maaaring mai-program o ma-configure para ipakita kung paano binabasa ng makina ang mga boto. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji