AWARE ang lahat na bago umentra si Jericho Rosales, si JM de Guzman sana ang katambal ni Jennylyn Mercado sa Walang Forever.
Ano ang feelings ni Echo tungkol dito?
“Honestly, wala talaga sa akin ‘yun. I mean, if you guys know me well, wala talaga sa akin ‘yun. I feel bad for. . . well for some reasons, but everything happens for a reason, eh. So, ako, available ako, I was given the chance, why not?” sabi ni Echo nang humarap sa presscon.
Hindi issue sa kanya kung second choice man siya.
“Bakit ako magkaka-issue ng ganu’n? I mean, parang ibababa ko lang ‘yung morale ko, parang ganu’n. Alam ko that in this life, ‘pag may mga opportunities na dumating sa ‘yo, tatanggapin mo dapat ‘yun nang maganda. ‘Wag mo i-let go ‘yang mga ganyan, regardless kung second choice ka or third choice ka.”
Inamin ni Jericho na ipinagdasal niyang sana’y makagawa siya ng romantic-comedy film.
“Alam ng mga managers ko ‘to, gusto ko ng rom-com, gusto ko ng light drama sa film na hindi ko nagagawa. Na-grant siya, it’s an answered prayer,” he said.
Nag-enjoy siya sa katuparan ng dasal niya.
“Masaya, gusto ko kahit sa TV, gawin ko siya,” aniya.
Kumustang katrabaho si Jen?
“The best! She deserves to be called rom-com queen, di ba, ‘yun ang bansag ngayon sa kanya? I mean, kung may kalaban man siya, okay lang, but she’s so bagay talaga, ang gaan niya kasama, bagay siya sa genre na ganito. And then, she’s also capable of doing drama. Parang for us, click ka’gad kami,” say ng aktor.
Noon pa, kapag nakikita pala niya sa mga billboard si Jen, nasasabi niyang sana ay makatrabaho niya ang aktres.
Natupad na nga ito at sobrang happy siya sa resulta’t excited na sa showing ng movie. (Reggee Bonoan)