Pag-aaralan na ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kontrobersiyal na “tanim-laglag bala” modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay makaraang pormal na maisumite ng NBI sa Department of Justice (DoJ) ang resulta ng report sa tanggapan ni Caguioa, kamakalawa.

Gayunman, binigyan si Caguioa ng panahon para basahin at pag-aralan ang nasabing report at ngayon ang takdang araw para magbigay ang DoJ ng pahayag hinggil sa nasabing resulta ng imbestigasyon. (Beth Camia)
Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral