Disyembre 10, 1520 nang silaban ni Martin Luther (1483-1546), tinaguriang “Father of Protestantism,” ang iba’t ibang papal decrees, ang teksto ng Canon Law, at ang Eck and Emser sa Wittenberg, Germany. Kasama rin sa mga sinunog ang kopya ng papal bull na “Exsurge Domine”.

Sabi niya, “As thou [the Pope] hast vexed the Holy One of the Lord, may the eternal fire vex thee!” Daan-daang estudyante ang nagsipaghiyawan at nagsaya sa apoy, habang ang iba ay kumanta ng “Te Deum,” at ang iba naman ay funeral poems. Nagsagawa rin sila ng mock procession, kinolekta ang mga libro sa Roman Catholicism, at inihagis sa naglalagablab na apoy.

Ang pagkakatiwalag ni Pope Leo X kay Luther ay hindi naging dahilan upang tigilan ang “unbiblical practices” sa Roman Catholic Church.
Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?