MAYANTOC, Tarlac — Sa ospital ang bagsak ng tatlong lalaki matapos mauwi sa pananaga ang isang masayang inuman sa Mayantoc, Tarlac.

Kinilala ang mga biktima na sina Edwin Sugui, 54, may-asawa; at John Laygo Sugui, 40. Ang suspek ay si Alfredo Co Baylon, Jr., 39, lahat ay residente ng Barangay Poblacion Sur, Mayantoc, Tarlac.

Napag-alaman na lasing na nang dumating sa inuman ang suspek at nakasigawan si Sugui hinggil sa isyu ng “right of way” sa kanilang lugar. Sa galit ay kumuha ng jungle bolo si Baylon na kaagad namang inagaw ni John hanggang sa makihalo si Edwin at mataga ng suspek sa noo. Sa pagtakas ng suspek ay tumalon ito mula sa mahigit limang metrong taas ng kanal at nasugatan sa kanang hita.

Isinugod ang tatlo sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital, Malacampa, Camiling, Tarlac. (Leandro Alborote)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito