Patay ang isang guro habang sugatan ang isa pa matapos silang pagtatagain ng hindi nakilalang suspek na pumasok sa kanilang bahay habang sila ay natutulog sa Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktimang namatay na si Joy Rojo, 24, habang nasa malubhang kalagayan ang kasamahan nitong si Jerlyn Lapidez, 27, kapwa nagtuturo sa Tuluksubong Elementary School.

Ayon kay Chief Insp. Joven Bagaygay, hepe ng Lake Sebu Municipal Police Station, nangyari ang insidente dakong 7:20 ng gabi nitong Martes.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya hindi nakilala ng biktima ang suspek dahil sa bilis ng pangyayari. Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog