Isang konsehal ang natagpuang tadtad ng saksak at nakatali pa ang leeg sa loob ng kanyang sasakyan sa San Carlos City, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO), ang biktima na kinilalang si Councilor Mendrado Ynson ay natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Agdao, na hindi kalayuan sa kanyang tirahan, sa nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima dakong 7:00 ng umaga nang umalis ito ng bahay patungo sa city hall upang dumalo sa regular session subalit hindi ito nakarating. Natagpuan ang bangkay ng biktima bandang hapon na.

Subalit, inihayag ng mga imbestigador na namataan nila ang sasakyan bandang tanghali at hindi naman umano napansin ng mga nakakita na may masamang nangyayari sa opisyal.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ilang beses na tinawagan ng kanyang mga kasamahan ang biktima sa subalit hindi ito sumasagot.

Kasalukuyang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya upang agad na malutas ang krimen. (Fer Taboy)