MABUTI at tinigilan na si Janine Gutierrez sa pangungulit ng press people na sumali siya sa beauty pageant dahil sayang daw ang face, height, at husay sumagot sa mga interview.

Sa presscon ng MMFF entry ng Quantum Films na Buy Now, Die Later, wala na kaming narinig na pangungulit ng press sa aktres tungkol sa beauty pageant. Bagong isyu na ang inuungot ng reporters kay Janine, na in fairness, tinawanan lang niya:

Kung hindi raw ba natatakot si Janine sa posibilidad na mag-break sila ni Elmo Magalona ngayong lumipat na ito sa ABS-CBN?

“Grabe naman kayo! Okay pa naman kami ni Elmo. We’re good! It’s a new thing for us bilang love team kami sa GMA-7 and now, magkaiba na kami ng network. Wala namang nabago, except sa schedule dahil pareho kaming busy, but we make it a point na magkita pa rin kami,” sagot ni Janine.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

In fact, noong araw ng presscon, nagkausap pa sila ni Elmo and the day before the that, magkasama pa sila. Confident si Janine na walang mababago sa kanila ng BF kahit magkaiba na sila ng network kahit sinabi ng press people na maraming magaganda at seksi sa ABS-CBN.

Excited na si Janine na mapanood ang first movie niya at dagdag na excitement sa kanya na entry ito sa MMFF.

Pinapangarap lang niya ito dati at natupad na ngayon.

“Nagpapasalamat talaga ako sa Quantum Films for giving me the break. Difference experience sa akin to be working with ABS-CBN talents. Masaya sa set, hindi uso ang network war,” kuwento ni Janine.

Samantala, doing great ang morning series na Dangwa  na pinagbibidahan ni Janine at Christmas gift ng GMA News & Public Affairs ang Christmas episode na walang guests at ang love triangle nina Janine, Aljur Abrenica at Mark Herras ang bibigyan ng focus. (Nitz Miralles)