Isinugod sa ospital ang 11 katao makaraang malason sa kinaing isdang “tambakol” sa Barangay Cugman, Cagayan de Oro City, iniulat ng pulisya kahapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Rossel Quilim, Roselito Paraiso, Ranelo Deo, Sayson dela Cruz, Efran Balaan, Rogelio Balaod, Christopher Campus, Petronio Legaspi, Jose Mario Hulgansa, Reynaldo Deo at John Mark Dale Philip, na pawang dinala sa Northern Mindanao Medical Center.

Ayon sa ulat ng Cagayan de Oro City Police Station, nakaranas ang mga biktima ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at nagsusuka dahilan upang isugod sila sa ospital.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng hindi na sariwa ang nakaing isda na nabili ng mga biktima sa isang palengke sa nasabing barangay.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nasa ligtas na kalagayan na ang mga biktima na karamihan ay pawang mga residente ng Bukidnon. (Fer Taboy)