Alex-Gonzaga copy

HINDI makakapiling ni Alex Gonzaga ang kanyang boyfriend na si Carlo Chungunco sa Bagong Taon dahil sasama siya sa kanyang Ate Toni Gonzaga at sa asawa nitong si Direk Paul Soriano papuntang New York.

Yes, Bossing DMB, magsisilbing chaperone guguluhin ni Alex ang much awaited out of the country trip ng mag-asawang Paul at Toni sa unang pagkakataon kaya maituturing itong honeymoon na rin.

Kuwento ni Alex, isasama siya ng mag-asawa at sa katunayan ay mismong si Direk Paul ang nag-book ng hotel na tutuluyan niya sa NYC at sa San Francisco, USA.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa madaling sabi, mag-isa siya sa kuwarto dahil alangan namang sumama siya sa kuwarto ng mag-asawa.

“Siguro, double deck kami,” tumawang sabi ng aktres.

May nagkomento na dahil mag-asawa na sina Paul at Toni, baka mainggit si Alex sa mga maririnig niya kung sakaling magkatabi ang kuwarto nila.

“Hello?” mabilis na sabi ni Alex, “tingin n’yo naman, hindi ako nagpapalagay ng CCTV? Chos! Ha-ha-ha!”

May nakaka-holding hands naman daw na si Alex (si Carlo) kaya hindi uso sa kanya ang mainggit, pero hiniritan siya ng, ’wala namang sex life’ ng press na dumalo sa presscon ng Buy Now, Die Later.

“Mabubuhay ka naman na walang ano, magtu-27 na ako, nabuhay ako na walang gano’n. Mamamatay ako na puwede ako na walang gano’n,” humahalakhak na sabi ni Alex.

At ‘pag kasal na siya, saka na lang daw siya babawi.

“Oo, todo.”

May pilyang nagtanong kung kailan niya ipapipitas ang kanyang ‘bulaklak’.

“Mamaya, mamaya, ha-ha-ha,” lukang sagot ng dalaga.

Natutuyo rin ang bulaklak, hirit pa ng katoto.

“Oo naman. Kaya kailangan, dinidiligan,” natatawa pang sabi ng makulit na anak ni Mommy Pinty.

Pero biglang kambiyo ang dalaga, hindi raw mula talaga hangga’t walang kasal, dahil tiyak na mapapagalitan na naman siya ni Mommy Pinty kapag nabasa ang mga pinagsasabi niya. (REGGEE BONOAN)