Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Sa halip na maging masaya at makabuluhan ang Pasko, marami ang nangangambang maapektuhan ng matinding “holiday stress” dahil sa sari-saring suliranin at pagsubok na kinahaharap ng mga mamamayan.

“Traffic, crowds, and shopping wear down holidaymakers…. It’s certainly not a fun way to spend the holidays,” pahayag ni Philippine College of Physicians (PCP) Foundation President Anthony Leachon.

Dahil dito, binalaan ni Leachon ang publiko na iwasang ma-stress habang papalapit ang holiday season na maaaring pagmulan ng atake sa puso o stroke.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Leachon na dumadami ang tinatamaan ng stroke at inaatake sa puso tuwing Pasko.

“Worse, sufferers are more likely to die than any other time of year,” dagdag niya.

Sa “informal survey”sa mga ospital sa Metro Manila simula 2004 hanggang 2008, lumitaw na halos naging triple ang bilang ng emergency cases sa ospital.

Lumitaw din sa datos ng PCP na pumalo ang mga kaso ng heart attack sa 153 noong Disyembre 2004, 163 noong 2005, 172 noong 2006, 170 noong 2007, at 170 noong 2008.

Ayon sa pangulo ng PCP, mas mataas ang naturang bilang kumpara sa halos 30 hanggang 50 kaso lamang na naiulat mula Enero hanggang Nobyembre.

Una nang pinayuhan ng Department of Health (DoH) ang publiko na planuhin na ang lahat ng aktibidad sa Pasko upang makaiwas sa tensiyon at stress.

Ayon sa DoH, dapat ding umiwas sa matataong lugar, na mabilis kumalat ang sakit ng isang tao.