Inihayag kahapon ng Bureau of Immigration (BI) na maraming immigration officer na itinalaga sa mga lalawigan ang pansamantalang pababalikin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa layuning mabawasan ang mahabang pila ng mga pasahero na karaniwan nang tanawin sa paliparan tuwing holiday season.

Ito ang sinabi ni BI Associate Commissioner Gilbert U. Repizo, sa pagpapatupad ng nasabing direktiba ng Department of Justice (DoJ), laban sa mga sindikato ng human trafficking at mapigilan ang pagpasok sa bansa ng mga undesirable alien, kabilang na ang mga terorista. - Jun Ramirez

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga