PINAG-IISIPAN ng parents ni Rocco Nacino na idemanda ang writers na nagsulat na ginagasta ng aktor ang joint account nila ni Lovi Poe sa bagong nililigawang non-showbiz girl.

Labis naapektuhan ang parents ng aktor na ayon sa kanila ay below-the-belt na ang paninira sa kanilang anak lalo’t walang katotohanan.

Sabi ng ina ng aktor na si Mrs. Linda Nacino, hindi lang kumibo si Rocco nang lumabas ang tsismis pero alam nilang nasaktan ito. Ang GMA Artist Center na ang nagsabi kay Rocco na maglabas ng statement para itanggi at linawin ang isyu.

Ayon sa ina ni Rocco, walang joint account, walang nililigawang non-showbiz girl, at walang third party kina Rocco at Lovi. Hindi raw maaatim ng anak na magwaldas ng hindi niya pera at lahat ng kinikita nito ay pinaghirapan.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Naintriga lang kami sa nabanggit ni Mommy Linda na, “walang third party.” Ibig bang sabihin, break na talaga sina Rocco at Lovi? Hindi kasi kami nakapag-follow-up ng tanong dahil maingay sa paligid. Sa Walk of Fame Event sa Eastwood namin siya nakausap.

Samantala, very proud si Rocco sa pagkakasama niya sa Walk of Fame. Nagpakuha siya ng picture na nakaupo siya sa star na may pangalan niya at ang caption ay. “Humbled by this recognition. I now have my own star sa walk of fame.

Thank you, Lord for letting me experience this wonderful feeling. Isa ito sa magiging motivations ko para lalong pagbutihin ang trabaho. I won’t forget this day! Thank you GMA and Kuya Germs!”