Napatay ang isang holdaper habang malubhang nasugatan ang apat na iba pa matapos silang makipagbarilan sa mga pulis habang tumatakas sa Barangay Patawag, Labason sa Zamboanga Del Norte, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Labason Municipal Police, pinasok ng mga suspek ang bahay ni John Canya, copra buyer, at nagdeklara ng holdap hanggang sa matangay ang P200,000 cash, dalawang motorsiko, at isang cell phone.

Agad na nai-report ni Canya sa pulisya ang panghoholdap sa kanya kaya mabilis na naikasa ang Checkpoint hanggang naharang ang mga suspek sa national highway ng Sitio Magubok sa Bgy. Poblacion sa Kalawit at sumiklab ang engkuwentro.

Bagamat sugatan ang apat sa mga suspek, nakatakas pa rin ang mga ito. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog