VATICAN CITY (AP) — Nanawagan si Pope Francis noong Miyerkules ng higit na pagdidiin sa kabaitan, kabilang na sa Simbahang Katoliko, sa mundo na aniya ay markado ng kalupitan at kabangisan.

Hiniling niya sa kanyang simbahan na kumilos, sa isang panayaman na inilathala noong Miyerkules sa Credere, isang Catholic magazine na nag-uulat sa Holy Year of Mercy, isimula sa Disyembre 8.

Ikinalungkot ni Francis na ang simbahan mismo ay nahuhulog sa “temptation to take a hard line, the temptation to stress only the moral laws.”

Sinabi ng papa na ang kailangang ng mundo sa ngayon ay “revolution of tenderness” dahil, “from here, justice and all the rest derives.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina