Naungusan ng Marikina Wangs ang Malolos Mighty Bulsu, 130-123,upang makamit ang pang-apat at huling semifinal berth sa Filsports Basketball Association (FBL) Second Conference sa larong idinaos sa Enderun Colleges gym sa The Fort sa Taguig City.

Nagtala ng 24-puntos si Francis Munsayac na bukod pa sa 9 na rebound upang pangunahan ang Deliverers sa pagposte ng kanilang ikaapat na panalo kontra anim na talon na sapat na upang makausad sila sa susunod na round.

Nakamit naman ng Pateros Austen Morris sa pangunguna ni Jawhar Purdy na nagtapos na may 33-puntos ang ikatlong slot makaraang ungusan ang First Conference champion Quezon City UP, 84-82, para maitala ang patas na barahang 5-5 (panalo-talo).

Sa iba pang laro, tinalo ng Pampanga Foton ang Manila NU MFT, 87-73 para makamit ang no.1 seeding sa semis sa pamumuno ni Mikee Reyes na nagtapos na may 19-puntos, parehas ng output ng namuno sa losing cause ng Bulldogs na si Matt Salem na nagtala din ng 19-puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakatakdang ganapin ang knockout semifinals ng torneo bukas, Disyembre 5, kung saan magtatapat ang No.2 seed Manila NU MFT Bulldogs at ang No.3 seed Pateros Austen Morris Associates ganap na 3:30 ng hapon habang maglalaban naman sa isa pang pairings ang topseed Pampanga Foton Toplander at 4th seed Marikina Wangs Deliverers sa ika-5:30 ng hapon. (Marivic Awitan)